Lasang forest sa bayan ng Initao
Lasang forest sa Bayan ng Initao, may sikretong dapat ma-experience ng mga turista.
Ayon kay Mayor Enerito “Cocoy” Acain ng Initao, Misamis Oriental, dapat malaman ng mga tao ang lasang forest, sapagkat ito ay kakaiba, ang national highway ay nasa gitna mismo ng Lasang forest. Ang isang parte ng lasang ay papunta ng dagat.
Dagdag pa ni Mayor Cocoy Acain, maganda ang landscape at seascape sapagkat protected area daw ang parteng yun ng dagat pero may parte daw duon na naka reserve kung saan pwede maligo ang tao. Sa landscape naman daw, sa bundok ay makikita ang mga tarsier na naninirahan din sa Bohol. Umaga hanggang hapon ay makikita ang mga maliliit na ungoy na eto na palakad lakad kasama ang mga magulang na tumatawid sa national highway sa bayan ng Initao.
Marami ring makikitang mga century-old na mga puno na di na makikita sa ibang bayan.
Ito ang sikreto ng Lasang na isang natural forest at ipinagmamalaki ng bayan ng Initao
Pinagmulan: @PIADesk
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Lasang forest sa bayan ng Initao "