Pako Rabong
Pako Rabong
Isang sinauna’t katutubong anyo ng artistikong disenyo ng mga Maranaw ang pako rábong. Tumutukoy ang pakô, o piyako, sa marikit na motif sa ukit na kinopya ang salimbayan-pilipit na disenyo ng dahon ng nasabing halaman. Literal na kahulugan ang pako rabong ang “sumisibol o yumayabong na pakô.” Madalas na katulad ng disenyo nitó ang tila umiikid na usbong at kumikiwal na tangkay ng dahon ng pakô.
Madalas na ginagamit ang pako rabong sa mga bordadong damit at mga telang inilaladlad bilang palamuti sa loob ng bahay. Idinidesenyo rin ito sa mga ginto at pilak na alahas. Sa kulturang Maranaw, sinasabing kalalakihan ang madalas na umuukit ng pako rabong, dahil mga heometrikong disenyo ang nakamihasnang idinidisenyo ng kababaihan.
Pinagmulan: NCCA Official via Flickr
No Comment to " Pako Rabong "