gawad rolando tinio sa tagasalin

Gawad Rolando Tinio sa Tagasalin


Ang Gawad Rolando Tinio sa Tagasalin o Translator’s Prize ay naglalayong mabigyan ng mas malaking puwang ang pagsasalin ng mga teksto at akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa Filipinas patungo sa pambansang wika. Ang bagong petsa ng pagpapása ng lahok ay hanggang 31 Enero 2021.


Mga Kategorya:


Tula,


Dula,


Kuwentong YA (Young Adult),


Malikhaing Di-Katha (Creative Non-Fiction),


Kalipinan ng Maikling Kwento


Pinalawig ang petsa ng pagpapasa ng lahok hanggang ika-31 ng Enero 2021.


Para sa detalye, bisitahin ang website ng National Commission for Culture and the Arts.


Para sa 2021, pinalawak ang mga kategorya sa kalipunan ng Tula, Nobela, Nobelang Young Adult, Koleksiyon ng Dulang May Ganap na Haba, Malikhaing Di-Katha, at kalipunan ng Maikling Kuwento.


Bibigyan ng priyoridad ang mga akdang klasiko, kanonigo, at/o sinulat ng mga Pambansang Alagad ng Sining.


Ipadala ang mga dokumento sa:

Cultural Dissemination Section

Plan/Policy Formuation and Programming Division

National Commission for Culture and the Arts

633 General Luna St., Intramuros, Manila 1002

o e-mail sa scd@ncca.gov.ph (at naka-cc: thereselpz.ncca@gmail.com)

I-download ang Pormularyo sa Paglahok:


Para sa 2023, pinalawig ang mga kategoryang maaaring lahukan: Nobela, Nobelang Young Adult, Tula, Sanaysay, Maikling Kuwento, Epikong Bayan, Dula, Koleksiyon ng Dulang Ganap ang Haba, Malikhaing Di-Katha at kalipunan ng Maikling Kuwento.


Ang petsa ng pagpapása ng lahok ay hanggang sa ika-15 ng Abril 2023. Ipadala ang inyong curriculum vitae, notaryadong salaysay at kopya ng inisyal na salin sa email: cdsinsti@ncca.gov.ph o ipadala sa:


Cultural Dissemination Section

Program Management Division

National Commission for Culture and the Arts

633 General Luna St., Intramuros, Manila 1002


Para sa mga katanungan, maaring tumawag sa bilang: 8527-2192 local 538 / 541, o makipag-ugnayan sa email: cdsinsti@ncca.gov.ph (at i-cc: ccdionisio.ncca@gmail.com)


Pinagmulan: @NCCAOfficial


Mungkahing Basahin: