Most Essential Learning Competencies
On Pamumuhay
Nagdesisyon ang DepEd Curriculum ang Instruction Strand na babawasan nang 60% ang curriculum units ng buong K to 12. Alamin natin ang mga katangian nito.
Ang pagbawas ay magmumula sa Kindergarten hanggang Grade 12 at ititira lamang ang Most Essential Learning Competencies (MELCs). Alamin natin ang mga katangian nito.
Ano nga ba ang Most Essential Learning Competencies?
Ang mga Most Essential Learning Competencies (MELC) ay tinutukoy na mga kailangan ng isang mag-aaral upang magpatuloy sa kanyang marka, makatawid sa susunod na baitang, at magkaroon ng isang matagumpay na buhay na hinubog ng may kalidad na edukasyon. Ang mga katangian ng MELC ay:
A. Nakahanay ito sa pambansang pamantayan o mga balangkas, tulad ng, “holistic Filipino learners with 21st Century Skills”.
B. Nagkokonekta ito ng nilalaman sa mga mas mataas na konsepto sa iba’t ibang content areas.
C. Naaangkop ang mga ito sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
D. Mahalaga ang mga itong matutunan ng mga mag-aaral kahit may mag-drop out man sa paaralan.
E. Hindi ito karaniwang natututunan ng mga mag-aaral kung hindi itinuro sa paaralan.
Pinagmulan: @DepEd_PH
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Most Essential Learning Competencies "