Ang opisyal na pagbubukas ng SY 2020-2021 ay sa August 24, 2020
Ang opisyal na pagbubukas ng SY 2020-2021 ay sa Agust 24, 2020. Ang natitirang buwan ay gagamitin para ma-orient ang mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng mga alternative learning delivery modality.
Mga tala:
Ang mga guro ay balik-serbisyo na ngunit work from home muna ang set-up, maliban kung pinayagan ng Regional Director na mag-report sa paaralan o kung hindi magagampanan ang trabaho sa pamamagitan ng alternative at remote work arrangements (DO 11, s. 2020).
Dahil sa pinaikling school year, pinapayagan ni Secretary leonor Magtolis Briones ang pagsasagawa ng distance learning activities tuwing Sabado. Binubuo ng 203 class days ang school year na magtatapos sa April 30. 2021.
Ang pagsasagawa ng curricular and co-curricular activities na may pisikal na pagtitipon ay nakansela ngayong taon. Magsasagawa ang DepEd ng patuloy na programa at pagsubaybay upang matulungan ang mga guro, magulang at mga mag-aaral sa pag-navigate sa new normal na ito.
Pinagmulan: @PIA-RIII via DepEd
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang opisyal na pagbubukas ng SY 2020-2021 ay sa August 24, 2020 "