General Community Quarantine sa Clark

Ano-anong mga industriya ang papayagang mag-operate sa Clark?


Lahat ng uri ng industriya maliban sa mga leisure, recreation, gaming, fitness, tourism at iba pang industriya sa hanay ng Category IV.


Papayagan din ang pagbubukas ng mga shopping malls sa ilalim ng limitadong operasyon.


Ang mga locator companies at maaaring mag-operate na may initial 30% capacity. Maaaring maragdagan ang operation capacity ng mga ito kung ang mga ito ay kakikitaan ng mahigpit na pagsunod sa pagpapatupad ng social distancing at iba pang health protocols sa loob ng kanilang kumpanya.


Ang mga pinapayagang  industriya ay kailangang sumunod sa Omnibus Rules, at sa DTI Memorandum Circular No. 20-22.


Sino ang mga papayagang makapasok sa Clark?


Ang mga sumusunod ay papayagang makapasok sa Clark:


1.Empleyado ng mga pinapayagang industriya na magoperate sa Clark
2. Residente sa Clark
3. Health workers at frontliners na nakatalaga sa Clark
4. Suppliers ng mga essential items
5. Empleyado ng mga contracted parties sa service, logistics, at iba pang mga industriya na pinapayagan sa ilalim ng GCQ
6.Mga opisyal ng gobyerno na may opisyal at mahalagang aktibidad sa CDC


Anong mga uri ng transportasyon ang papayagan?


1. CDC Clark Loop/BRT
2. Shuttle service ng mga Clark locators o pinapayagang kumpanya.
3. Ang mga empleyado, residente at iba pang indibidwal nan pinapayagang makapasok sa Clark ay maaaring gumamit ng kanilang pribadong sasakyan.



Mayroon na bang mag-ooperate na mga public utility vehicles tulad ng mga jeepney sa Clark?


Wala pa. Ang mga itinalagang company shuttle service ang magsisilbing  pangunahing transportasyon ng mga empleyado.


Patuloy ring magbibigay serbisyo ang mga Clark loop buses O BRT sa publiko at commuters sa Clark.


Ano ang mga alituntunin na kailangang sundin para sa mga parks/playgrounds sa loob ng Clark?


Ang parade grounds at iba pang mga parke ay bubuksan na para sa mga residente at empleyado ng Clark.


Ang mga uri ng ehersisyo tulad ng walking, jogging, running, at biking ay papayagan ngunit kailangan maipatupad pa rin ang pagsusuot ng facemask, social distancing, pati na ang pagsunod sa health standards at iba pang safety precautions.


Ang mga pampublikong pagtitipon na hindi awtorisad, hindi kinakailangan, o kaya naman ay entertainment related, tulad ng movie screenings, concerts, o sporting events ay hindi pa rin pinapayagan.


Pinagmulan: PIA Gitnang Luzon | @PIA_RIII via CLARK


Mungkahing Basahin: