Sinong Terorista?
Sino ang pwedeng pagbintangang ‘terorista’ sa ilalim ng Anti-Terrorism Bill?
Sa niratsadang Senate Bill 1083 o “Anti-Terrorism Bill”, pwede mabansagang terorista kung:
1. Nanira ka o nagtangkang manira ng private property o pasilidad ng gobyerno;
2. Nanakit o nagtangkang manakit;
3. May dala o bumili ng kutsilyo, itak, o anumang gamit na pwedeng sabihing gagamitin sa pagpatay;
4. Nagpaplano daw ng atake dahil lang nagpupulong kayo o nagkita ng kaibigan mo;
5. Nag-donate o tumulong sa isang relief drive na hindi gobyerno o state-recognized organization ang naglunsad;
6. Sumama ka sa isang rally, basta paratangang ang layunin ng pagkilos ay manakit o magdulot ng “serous risk to public safety”;
7. Naglabas ka ng pahayag, sulatin, nag-share o retweet ng mga posts (kahit memes!) na kaugnay daw ng aktibidad ng mga terorista;
Ang parusa sa ilalim ng panukalang batas ay mula 12 taon hanggang habang-buhay na pagkakakulong.
Pwede kang basta na lang ikulong nang walang kaso nang hanggang 24 araw basta mapagbintangang terorista.
Kahit sino ay pwedeng isailalim sa state surveillance. Madaling masilip ang text, tawag, e-mail, at kahit social media activity mo.
Mga Senador na sumang-ayon sa panukalang batas na “Anti-Terrorism Bill” Ayon kay @_lucasriel
1. Sonny Angara
2. Nancy Binay
3. Pia Cayetano
4. Ronald dela Rosa
5. Grace Poe
6. Imee Marcos
7. Lito Lapid
8. Joel Villanueva
9. Cynthia Villar
10.Manny Pacquiao
11.Win Gatchalian
12.Bong Go
13.Richard Gordon
14.Panfilo Lacson
15.Bong Revilla
16.Francis Tolentino
17.Franklin Drilon
18.Miguel Zubiri
19.Tito Sotto
Pinagmulan: AlterMidya @altermidya via Reference: Senate Bill 1083
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sinong Terorista? "