Heat wave ba itong nararanasan natin ngayon?


Ano ang heat wave?


Ayon sa World Meteorological  Organization, ang heat wave ay nangyayari kapag ang maximum temperature sa limang magkakasunod na araw ay mas mataas sa average maximum temperature ng 5 C.


Hindi pa heat wave ang nararanasan natin ngayon.


Ang mga temperaturang nasusukat sa PAGASA stations sa buong bansa ngayong tag-init ay kadalasang hindi lumalampas ng 5 C mula sa average maximum temperature o kung lumampas man ay hindi umaabot ng limang araw.


Halimbawa:


Ang average maximum temperature ng istasyon na ito ay 33 C. Ibig sabihin, sa mga petsa 2-6 kung saan lumampas ng 5 C ang naitalang temperatura mula sa average ay may heatwave.


Pinagmulan: @dost_pagasa


Mungkahing Basahin: