Bakit nga ba maiinit ngayon sa Pilipinas? 


Ang panahon ng tag-init sa Pilipinas ay nagsisimula ng Marso at natatapos ng Mayo o unang linggo ng Hunyo. Mainit at maalinsangan ang panahon sa atin tuwing tag-init dahil sa Ridge ng High Pressure Area (HPA) at Easterlies.


Ang Ridge o extension ng HPA ay karaniwang nakakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon tuwing tag-init. Ito ay nagdadala ng mainit at maaliwalas na panahon.


Ang Easterlies naman ay ang hangin galing Pasipiko na nagdadala ng moisture o kahalumigmigan. Ito ay nagdudulot ng maalinsangang panahon at posibleng maging sanhi ng thunderstorm.


Pinagmulan: DOST-PAGASA @dost_pagasa


Mungkahing Basahin: