Ang Opisyal na sasakyan ni Ramon Magsaysay


Ang Willys-Overland Motors o mas kilala sa tawag na Willys ay isang kumpanyang Amerikano na lumikha ng mga sasakyan. Ito ay itinatag ni John Willys noong 1908. Mula 1912 hanggang 1918 ang Willys ang itinuturing bilang ikalawa sa pinakamalaking kumpanyang Amerikano na lumilikha ng mga sasakyan sa Estados Unidos kasunod ng Ford Motor Company. Noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, isa ang Willys sa mga kumpanya na nagsimulang lumikha ng mga sasakyang pandigma.


Sa Pilipinas, si Ramon Magsaysay ay gumamit ng isang Willys Jeep at ito ang nagsilbi nyang opisyal na sasakyan noong siya’y Kalihim ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng administrasyong Quirino. Ang Willys Jeep na ito ay unang ginamit ni Heneral Douglas MacArthur at ito ay kanyang ipinagkaloob bilang isang regalo kay Ramon Magsaysay. Ang Willys Jeep ay isa sa mga pinakaunang sasakyang 4×4 at ang tagapaguna ng modernong Jeep Wrangler Rubicon. Ang kilalang Land Rover Defender ay hango sa Willys Jeep na binago para magamit ng mga sibilyan.


Pinagmulan: National Historical Commission of the Philippines @NHCPOfficial


Mungkahing Basahin: