8 tips para makaiwas sa pang-aabuso online.


Bata, karapatan mong maging ligtas online! Sundin ang ibibigay naming tips para makaiwas sa pang-aabuso.


Tip 1
Siguruhing naka-private mode ang lahat ng social media accounts at huwag magbibigay ng maseselang impormasyon gaya ng full name, age, address, at contact details.


Tip 2
Huwag mag-post ng mga sekswal na larawan dahil pwede itong kumalat at hindi na mabura kailanman.


Tip 3
Maging mapili at maingat sa kung kanino kokonekta sa internet. Hangga’t maaari, makipag-chat lang sa kakilala.


Tip 4
Itigil ang pakikipag-usap online kapag hindi ka na komportable sa mga sinasabi o sinesend ng ka-chat. Agad na isumbong sa magulang kung may nangyaring hindi mo nagustuhan.


Tip 5
Huwag makipagkita (makipag-eyeball) sa mga nakilala mo lang sa internet, o kaya siguruhing may kasamang nakatatanda at mapagkakatiwalaang tao sakaling ikaw ay makikipagkita. Sa matao at pampublikong lugar lamang makipagkita para madaling makahingi ng saklolo kung kakailanganin. Sakaling yayain, huwag basta sasama sa taong ito.


Tip 6
Huwag mag-like, share o manood ng mga sekswal na materyal lalo na kung may bata sa nasabing materyal. Ito ay ipinagbabawal sa Republic Act 9775 or Anti-Child Pornography Law.


Tip 7
Ibahagi sa mga kapwa mo bata ang online safety tips na ito.


Tip 8
Kapag may nagtangkang kunan ka ng sekswal na picture o video gamit ang anumang gadget, Tumanggi, Tumakbo, at Magsumbong!


Pinagmulan: CHR Philippines @chrgovph


Mungkahing Basahin: