Sino si Maria Orosa?
Kamakailan ay nadiskubre ng mga archaeologist ang libingan ng food scientist at war hero na si Maria Orosa.
Alam niyo ba na noong World War II, ang kanyang mga imbensyon ay nagligtas sa libo-libong Pilipino at Amerikanong sundalo laban sa malnutrisyon? Ito ay ang Soyalac, isang inuming galing sa soya beans, at ang Darak, rice cookie na hitik sa vitamin B-1. Bukod dito, siya ang utak sa likod ng higit sa 700 na recipes, palayok oven, at ng paborito nating banana ketchup!
Ngayong International Day of Women and Girls in Science, kilalanin natin ang natatanging kontribusyon ng kababaihan at suportahan sila sa larangan ng siyensya.
Maria Ylagan Orosa
Nobyembre 29, 1892 ― Ipinanganak ang chemist at food technologist na si Maria Ylagan Orosa sa Taal, Batangas.
Gamit ang kanyang kaalaman sa agham at pagkain, natuklasan niya ang mga wastong pamamaraan ng pangangalaga ng mga katutubong pagkain tulad ng adobo, dinuguan, kilawin at escabeche. Matatagpuan ang kanyang mga recipe sa mga museo at library sa bansa. Marami din siyang inimbentong mga bagay tulad ng calamansi nip, soyalac, at banana catsup.
Pinagmulan: DepEd Philippines
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sino si Maria Orosa? "