Kailan gagamitin ang kung at kapag?

Kapag


Kapag – ipinakikilala ang kapag ang isang kalagayang tiyak.


Halimbawa:


Hindi ka na magiging huli sa klase kapag pumasok ka nang maaga.


Magiging masaya ang inyong guro kapag nag-aral ka nang mabuti.


Kung


Kung – ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan.


Halimbawa:


Mamamangha ang mga estudyante kung sasayaw ng “Tala” ang guro.


Makakatipid ako kung magbabaon ako ng lunch.


Pinagmulan: DepEd Philippines


Mungkahing Basahin: