Mga Sakit ng Lalaki
- Headache,
- insomnia,
- Diabetes, at
- Cancer
1. Headache
Ang karamihan ng sakit ng ulo ay dahil sa stress o iyung tinatawag na tension headache. Subukan ang accupuncture massage. Dahan-dahan lang ang pagmamasahe.
1. Masahihin ang magkabilang sentido (sa harap ang taas ng tainga).
2. Pisilin ang balat sa taas ng ilong at masahihin paitaas. Gawin ito ng maraming beses.
3. Masahihin ang noo sa ibabaw ng kilay mula sa gitna at papalabas.
4. Masahihin din ang mabilog na buto sa likod ng tainga.
5. Pisilin ang malaman na parte sa pagitan ng una at pangalawang daliri.
Paalaala lang: Huwag na huwag ipapamasahe ang iyong batok, sa likod ng leeg, at sa harap ng leeg. Marami na ang naparalisa dahil diyan. Mag-ingat.
2. Insomnia
Uminom ng mainit na chamomile tea with honey sa gabi. Langhapin ang usok nito. Ang chamomile at nagpaparelax ng katawan. Kumain din ng isang saging sa gabi. Ang saging ay may trytophan na nagtatanggal ng stress. Nabibili ang chamomile tea sa mga supermarket.
3. Diabetes
Ang solusyon sa diabetes ay ang pagmomonitor ng iyong blood sugar. Matutong gumamit ng blood sugar test. nagkakahalaga ito ng Php3,000. Kapag nagpapacheckup ng blood sugar, tusukin ang pinakamaliit na daliri, sa may tagiliran nito. mas kaunti ang nerve fibers dito at hindi gaano masakit. Ang normal na fasting blood sugar ay 100 mg/dl o 5.5 mmol/L o mas mababa pa. Umiwas lang sa dalawang bagay: matataba at matatamis. Iyan lang ang bawal sa diabetes.
4. Cancer
May mga pagkain na panlaban sa kanser. Para makaiwas sa prostate cancer, kumain ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo. Para makaiwas sa lung cancer, kumain ng maraming kamote. kapag ang isang tao ay wala pang cancer, ang pinakamahalagang kaiinin ay ang tatlong K: kamatis, karrots, at kalabasa. Pwede din ang mga sumusunod: green tea, curry powder, bawang, sibuyas,sibuyas dahon, repolyo, cauliflower,tofu ot tokwa, at talong. Damihan ang pagkain ng anti-cancer foods at bawasan ang mga karne at taba.
Paalaala: Sa mga sakit na nabanggit, kailangan pa ring magpacheckup sa doktor para masuri kayo ng mabuti. Mga dagdag kaalaman lang ang mga naturang impormasyon sa taas.
Pinagmulan: Doctor Willie Ong’s Facebook Page
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga Sakit ng Lalaki "