Halaan
Mula ito sa pamilyang Veneridae o mas kilala bilang Venus clams. Ang Venus clams ay isang malaking pamilya ng maliliit hanggang malalaking almeha na naninirahan sa tubig alat at karamihan ay maaaring kainin ng tao.
Karaniwang may disenyong konsentriko at hugis na bilugan ang talukab nito. May tatlo hanggang apat na uka ito na nagsisilbing pinakangipin nito sa bawat balbula at maikling siphon, isang organong humihigop at nagbubuga ng tubig.
Ang genus na Paphia ay may talukab na pahaba, manipis, at makintab ang rabaw.
Ang halaan ay may masalimuot na disenyo ng talukab, tila sangasangang guhit ang makikita sa rabaw nito. Karaniwang matatagpuan ang ganitong uri ng almeha sa karagatan ng Timog Silangang Asia at isang mahalagang lamandagat na ipinagbibili sa merkado.
Sa Pilipinas, ginagawa itong sopas, ginisa, adobo, at tinolang halaan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Halaan "