Dikin
Ang dikín ay tumutukoy sa gamit sa bahay na kadalasang ginagawang patungan ng mga palayok upang matiyak na maayos ang pagkakapuwesto nito at para mabigyan ng suporta ang pabilog na ilalim ng palayok.
Ito rin ay nagsisilbing proteksiyon kung mainit ang palayok o para hindi malagyan ng uling ang pinagpapatungan. Gawa ang dikin sa pinaikot o nilalang hibla ng pinatuyong yantok, kawayan, o tela at karaniwang may taas na 2-3 pulgada.
Sa paggawa ng dikin, kinakailangang gumamit ng isang bilog na molde para masiguro na mailalagay talaga sa puwesto at magiging mahigpit ang pagkakalala sa mga hibla ng materyales na ginamit para rito.
Ito ay tinatawag na asad sa ilang bahagi ng Katagalugan, gokon sa Bohol, Samar, Leyte at Panay, o túngtong ng mga Tagalog, Hiligaynon at Sebwano.
Maihahalintulad ang dikin sa lakal ng mga Maranaw at Kapampangan na nagsisilbing proteksiyon laban sa uling ng palayok.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Dikin "