Ano ang kahulugan ng salitang atang?


Ang atang ay may dalawang kahulugan na magandang pag-aralan. Sa mga Tagalog, ang atang ay paraan ng pagtulong upang isunong o pasanin ang isang mabigat na bagay. Ginagawa ito madalas ng mga magsasaka kapag binubuhat ang palay, ng mga mangingisda at kargador sa pagpapasan ng mga banyera ng isda, at ng iba pang uri ng manggagawa.


Sa ibang pook, ang atang ay isang paghahayin o pag-aalay. Sa Bikol at Pangasinan, tawag ito sa paghahandog ng banal na alay bilang pasalamat sa ani o anumang biyaya.


Kapuwa nangangahulugan ang dalawang praktika ng tungkuling pangkomunidad. Ang una ay sagisag ng pagtutulungan sa pagharap sa mabibigat na tungkulin. Ang ikalawa ay pagpapahayag ng nagkakaisang damdamin ng sambayanan, isang sama-samang pagdiriwang.


Hindi maaaring ganapin ang alinman sa dalawa ng isang tao at nag-iisa. Halimbawa pa, hindi materyal na bagay lamang ang ipinaaatang. Madalas ding ipaatang ang responsabilida na gaya ng pag-aaruga ng panganay sa mga kapatid kapag namatay na ang mga magulang o ng pagbabantay ng kamag-anak kapag nangibang-bansa ang mga magulang.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: