Aspalto
May melting point o antas ng pagkatunaw ito na 54-173°C at boiling point o antas ng pagkulo na higit pa sa 3000 °C.
Dahil na rin sa madikit at malapot nitong katangian, ang aspalto ay ginagamit na pantambak sa kalye, pantapal sa bubong, at proteksiyon sa mga produkto para hindi pasukin ng tubig o waterproof. Ginagamit din ito bilang pangunahing materyales sa mga pinturang hindi nakasisira sa metal.
Ang natural na anyo ng aspalto ay nabuo mula sa mga patay na algae na naipon sa ilalim ng dagat. Sa matinding init at bigat ng pagkakabaon sa putik sa matagal na panahon, nagbabago ang kemikal na komposisyon ng patay na algae hanggang naging aspalto.
Madalîng matunaw ang aspalto pag inihalo sa carbon disulfide. Dinadagdagan ito ng kerosin o langis kung kailangang ibiyahe nang malayo para manatili ang tamang lapot. Kailangan ding manatili ang temperatura ng kinalalagyan nitó sa 150°C.
Ang purong aspalto ay mabilis masunog. Kaya kapag inabot ng apoy, hindi ito dapat gamitan ng tubig kundi ng carbon dioxide, dry powder, o foam.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Aspalto "