Ano ang asoge?
Ang simbolo nito ay mula sa salitang Griyego na hydrargyrum (hydra na nangangahulugang tubig o likido at argyros na nangangahulugang pilak).
Mayroon itong 38.83 °C freezing point at 356.73 °C boiling point. Karaniwang nasa anyong sinabriyo (cinnabar) ang asoge. Nakalalason ang sinabriyo kapag ito ay nasubo o nalanghap ang alikabok mula dito. Nakalalason din ang kontak sa nasa anyong likido ng asoge na gaya ng methylmercury, paglanghap ng mercury vapour, at pagkain ng mga lamang-dagat na kontaminado nito.
Mayroong natagpuang asoge sa libingan sa Ehipto na may edad na 1500 BC. Sa Tsina at Tibet, pinaniwalaan noong nakapagpapahaba ng buhay ang pag-inom nito.
Ang mga sinaunang Griyego naman ay ginamit itong pamahid sa katawan habang ang mga sinaunang Ehipsyo at Romano ay inihahalo ito sa mga kosmetiko. Pinaniwalaan noon ng mga alkemista na ang pagsasama ng asoge sa transmutasyon ng mga metal na di-dalisay ay makalilikha ng ginto.
Ginagamit ang asoge sa paggawa ng mga kosmetiko at instrumentong gaya ng termometro, barometro, at fluorescent lamp. Naging laganap din ang paggamit sa medisina sa pamamagitan ng dental amalgams, vaccines, at topical antiseptics.
Sa kontemporaneong panahon, bagaman laganap na ang kaalaman sa taglay na lason ng mercury at ipinatigil na sa ilang bansa ang paggamit nito, pinakamalakas pa rin ang produksiyon nito sa mga bansang gaya ng Tsina, Kyrgyztan, at Peru.
Naitala ang ilang malalalang insidente ng mercury poisoning sa Minamata, Japan noong mga taong 1950 at sa Iraq noong mga taong 1970.
Mahalaga ang asoge sa industriya ng minahan, partikular sa mga small scale mining industry sa Pilipinas. Ito ang ginagamit upang mapaghiwalay ang ginto sa mga naminang ore sa prosesong tinatawag na amalgamasyon.
Popular ang prosesong ito sa mga small-scale mining industry dahil madalĂ® itong gawin at mayroon lamang maliit na puhunan. Mano-mano itong isinasagawa ng mga minero.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang asoge? "