Banda
Ang mga unang grupo ng banda ng musiko ay binuo ayon sa estruktura ng bandang panghukbo ng Espanya. Naging mahalagang bahagi ito ng mga awain ng pamahalaang militar para sa mga opisyal na pagtitipon, at ng maimpluwensiyang simbahan para sa mga prusisyon.
Paglipas ng panahon ng Espanyol ay itinatag ng mga Amerikano ang Philippine Constabulary Band noong 15 Oktubre 1902 sa pangunguna ni Koronel Walter H. Loving. Ang mga miyembro ng PC Band ay nagmula sa mga nagkawatak-watak na grupo noong panahon ng labanang Filipino-Espanyol at Filipino-Amerikano.
Sa St. Louis Exposition noong 1904, nakamit ng grupo ang ikalawang puwesto sa paligsahan sa pagtugtog. Nakipagtagisan sila sa pinakamagagaling na banda mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang grupo rin ang tumugtog sa paglulunsad sa pagiging Pangulo ni William Howard Taft sa Estados Unidos.
Ang isa pang tanyag na banda sa bansa noong panahon ng Espanyol ay ang Banda Arevalo na kilala bilang Pasig Band, at nang lumaon ay pinangalanang Pambansang Banda dahil sa paglilingkod nito sa gobyernong rebolusyonaryo ng Malolos mula 1898 hanggang 1899.
Ang unang lokal na banda naman ay ang Banda Zabat na itinayo ni Padre Eliodoro Chico noong 22 Nobyembre 1820 sa Gapan, Nueva Ecija.
Sa kasalukuyan, ang mga bandang ganito ay karaniwang maririnig na lamang sa mga serenata at mga tagisan ng galing tuwing bisperas ng pista sa iba’t ibang bayan sa paligid ng siyudad.
Ang bagong henerasyon ng banda naman ay pinanday ng popular na media. Nagsimula noong dekada 1970, ang musikang popular ng Filipinas ay pinasigla ng mga bagong sulpot na banda.
Naging mga popular na banda ang Parokya ni Edgar, Pupil, Rivermaya, Spongecola, Syato, The Dawn, Truefaith, Unbandub, UpDharmaDown, at Yano.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Banda "