Balang
Isa itong grupo ng mga short-horned grasshopper mula sa pamilyang Acrididae. Nagmula ang salitang locust sa Latin na locusta na tumutukoy sa mga crustaceans at insekto.
Ilan sa mga species nito ang
- Schistocerca gregaria (desert locust);
- Locusta migratoria (migratory locust);
- Nomadracis septemfasciata (red locust);
- Chortoicetes terminifera (Australian plague locust);
- Schistocerca americana (American desert locust);
- Locustana pardalina (brown locust);
- Dociostaurus maroccanus (Moroccan locust); at
- ang extinct na Melanoplus spretus (rocky mountain locust).
Matutukoy kung ang balang ay lalaki o babae kapag tiningnan ang dulo ng tiyan nito. Ang lalaking balang ay mayroong dulo na hugis bangka habang ang babaeng balang naman ay mayroong dalawang magkahiwalay o magkadikit na hugis ngiping balbula. Ginagamit ito ng babae sa paghuhukay ng butas na magsisilbing sisidlan ng itlog nito.
Kapag mga nimpa (tawag sa kabataang insektong tulad ng bilang) pa lamang, bumubuo ang mga ito ng pangkat-pangkat. Kapag tigulang na, ang mga pangkat ang nagsasama para maging kawan ng peste.
Nakakayang maglakbay ng tigulang na balang kahit sa napakalalayong lugar. Mabilis itong nakapagpaparami, nagpalipat-lipat, at naninira ng mga bukid at pananim.
Maraming naitalang pinsala ang dulot ng balang. Sa Bibliya, ang mga balang ang ikawalo sa sampung pesteng sumalakay sa Ehipto.
Patuloy na nakararanas ng malawakang pinsala nitó ang rehiyon ng Aprika at Gitnang Silangang Asia. Sa kabilang banda, ang mga balang ay maaaring gawing pagkain at itinuturing na putahe sa ilang bansa. Ginagamit din ito sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko na may kinalaman sa alfactory, visual, at locomotor neurophysiology.
Sa Pilipinas, tinatawag din itong
- bangsi,
- barongoy,
- bingki,
- dudon,
- dulon,
- duro,
- duron,
- eliw,
- kamagay,
- langgosta,
- lulon, at
- silíw.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Balang "