Badyang
Tinatawag din itong talyang at sininaba sa Sebwano, at may pangalang siyentipiko na Alocasia sanderiana.
Katutubo ang halamang ito sa Misamis Occiental at Bukidnon sa Filipinas. Kinikilala rin ang badyang bilang “critically endangered” o”lubhang nanganganib” ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Nakikilala rin ang badyang bilang halamang kris dahil sa pagkakahawig ng gilid ng mga dahon nito sa maalong talim ng kalis na tinatawag din bilang kris o keris.
Nabubuhay ang badyang nang buong taon sa isang bansang tropiko na tulad ng
Pilipinas.
May mga uri ng badyang na pinatutubong mas maliit kaysa karaniwang badyang na namumuhay sa dawag. Ang risoma ng badyang o ang sanga nitong tila ugat na nakabaon sa lupa ay tinutubuan ng ugat at nagkakatalbos sa bahaging itaas.
May hugis-V ang mga dahon nito. Nagtataglay ito ng malakremang puting mga bulaklak. Nasa ilalim na bahagi ng pumpon ang mga babaeng bulaklak, samantalang nasa ibabaw ang mga lalaking bulaklak. Mamula-mulang kahel naman ang bunga nitong maliit, bilugan, at makatas, bagaman hindi makakain.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Badyang "