Ano ang lantaka?
May karaniwang bigat itong umaabot sa 200 libra bagaman may malalaking tumitimbang ng isang tonelada.
May maririkit na lantaka na nagsisilbing dekorasyon sa bahay ng maharlika, at may disenyo ng buwaya, ibon, o dragon ang katawan at bunganga.
May natagpuan noong malalaking pandayan ng lantaka sa Malacca at Brunei ang mga Portuges at iniulat din ang ganitong pagawaan sa Filipinas.
Isang bantog na manggagawa ng malalakas na lantaka si Panday Pira, isang Kapampangan, at sinasabing tagagawa ng mga lantaka para sa karakowa ng mga lakan.
Pinalagyan ni Raha Sulayman ng mga lantaka ang kaniyang moog sa Maynila laban sa mga mananakop na Espanyol. Ginamit ang lantaka sa panahon ng Himagsikang Filipino, bagaman iwinangis na sa mga kanyong Europeo at yari sa mga batingaw ng simbahan.
Hanggang noong kampanya ng pananakop na Amerikano ay gumamit ng lantaka ang pagtatatanggol ng mga Moro sa Mindanao.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang lantaka? "