Ang kalag-luksa ay bahagi ng kaugalian hinggil sa pagluluksa o pagalaala sa isang namatay na miyembro ng pamilya o mahal sa buhay.


Nagaganap ang pagluluksa sa loob ng isang taon. Sa panahong ito, may kaugalian noon na nagsusuot ng damit na itim ang malapit na kamag-anak ng namatay. Ngayon, may nagsusuot na lamang ng itim na laso sa dibdib o sa manggas ng damit, at kung babae, nagbabalabal ng itim.


May mag-anak namang nagsusuot lamang ng itim na damit sa isang maikling panahon. Pagkatapos, dumadaan sa panahong blanco y negro, o pagsusuot ng putî at itim na damit. Sa gayon, ang kalag-luksa ay ang araw pagkatapos ng santaong pagluluksa, na idinaos sa pamamagitan ng pagtitipon ng magkakamag-anak, pagpapamisa o pagpapadasal, at handaan.


Ang handaan ay palatandaan na nangilin sa gayong gawain ng pamilya sa panahon ng pagluluksa.


Tinatawag din itong babang-luksa o ibis-luksa dahil maaari nang magsuot ng may kulay na damit ang kamag-anak ng namatay.


Kahit kasi sa mga hindi estrikto sa pagsusuot ng itim na damit sa panahon ng pagluluksa ay ipinagbabawal ang pagsusuot nang damit na matingkad ang kulay.


Ngunit pagkatapos ng kalag-luksa ay may pahintulot nang magsuot ng kulay pula, dilaw, o anumang kulay. Sa pagtitipon kung kalag-luksa ay inaasahan ang pagkukuwentuhan o pag-uusap hinggil sa namatay.


Pinagmulan: NCCA Offical | Flickr


Mungkahing Basahin: