Kadangyan
Kinikilala at iginagalang nang husto ang mga kadangyan, bagama’t walang pormal na kodigo na nagtatakda ng kanilang awtoridad. Gayunman, alinsunod sa dikta ng tradisyon, kinakailangang magdaos ang mga kadangyan ng malalaking pista upang mapanatili nito ang kanilang prestihiyo.
Sa ilang lugar, may pag-uuri sa loob ng uring kadangyan. Ang pinakamataas ang ranggo at prestihiyo ay ang himmagabi, ang mga pamilyang nakapagdaos ng ritwal ng hagabi, ang pinakamarangya at pinakamagastos sa lahat ng pagpipista.
Madaling matukoy kung sino sa ili ang himmagabi. Makikita sa kanilang bakuran ang isang napakalaking bangko o himlayang kahoy na tinatawag ding hagabi. Sumusunod sa ranggo ang unmuy-ya-uy. Gayon ang tawag sapagkat nakapagdaos na ng uyauy, ang marangyang pista sa kasal.
Maaaring may iba pang mayayamang angkan sa ili, ngunit hindi sila ituturing na kadangyan hangga’t hindi sila nakapagdadaos ng malalaking pistang makapagbibigay sa kanila ng prestihiyo at awtoridad.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kadangyan "