Tanggapin ang Unfit at Mutilated na Pera Mula sa Publiko

Tanggapin ang Unfit at Mutilated na Pera Mula sa Publiko


BSP sa mga Bangko: Tanggapin ang Unfit at Mutilated na Pera Mula sa Publiko


Pinapaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na tanggapin ang unfit at mutilated na perang papel, polymer, at barya mula sa publiko.


Walang bayad ang pagpapapalit ng perang unfit sa fit o malinis na perang papel, polymer, at barya.


Sa ilalim ng BSP Circular No. 829, series of 2014, at ng Manual of Regulations for Banks (MORB), tungkulin ng mga bangko na tanggapin ang mutilated currency at isumite ang mga ito sa BSP upang masuri.


Ano ang Unfit Coins?

Kinakalawang ngunit matutukoy pa rin ang pagiging tunay nito at denominasyon;

May mantsa o marka;

Balikuko.


Ano ang Mutilated Coins?

May kalawang;

Binutasan;

Tinabasan;

Sunog;

Kinaskas.


Ano ang Unfit Bank Notes?

Lupaypay;

May Mantsa;

May sulat o marka;

Marumi;

Kupas ang imprenta.


Ano ang Mutilated Banknotes?

May pandikit o staple wire;

Nasunog;

May punit, butas, o nawawalang bahagi;

Paghihiwalay ng papel.


Mungkahing Basahin: