Pinamungajan, Cebu, Paleng-qr PH Plus ready na!

Pinamungajan, Cebu, Paleng-qr PH Plus ready na!


Pinangunahan nina Mayor Ana Jessica A. Baricuatro ng Pinamungajan, Cebu at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Regional Director Anna Clara M. Oville ang paglulunsad ng Paleng-QR Ph Plus sa Pinamungajan Municipal Auditorium noong 26 Nobyembre 2024.


Layunin ng Paleng-QR Ph Plus na itaguyod ang paggamit ng digital payments sa mga pamilihan, pampublikong transportasyon, at iba pang mga negosyo sa pamamagitan ng QR Ph, ang pambansang pamantayan para sa quick response codes. Ang pagkakaroon ng transaction account para sa digital payments ay nagbibigay-daan upang magkaroon ang mga mamamayan ng access sa iba pang financial services gaya ng loans at insurance.


Nagsagawa rin ang BSP at ang currency exchange partner nito na Land Bank of the Philippines ng Piso Caravan, kung saan naipalit ang marurumi o sirang salapi sa malilinis na pera o e-wallet credits. Tumulong din ang mga financial service provider na magbukas ng transaction accounts para sa mga Pinamungajanon na magagamit nila sa QR code payments. Dumalo rin si Cebu 3rd District Congressman Pablo John F. Garcia sa paglulunsad ng programa.


Bisitahin ang Paleng-QR Ph Plus Program microsite para sa dagdag na impormasyon tungkol sa programa: https://bit.ly/PalengQRph


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin: