Moncada, Tarlac, Paleng-Qr PH Plus Ready Na!

Moncada, Tarlac, Paleng-Qr PH Plus Ready Na!


Inilunsad na sa Moncada, Tarlac ang Paleng-QR Ph Plus na nagsusulong sa paggamit ng QR Ph sa mga palengke, pampublikong sasakyan, at iba pang negosyo.


Pinangunahan nina Mayor Estelita M. Aquino at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Regional Director Noel Neil Q. Malimban ang paglulunsad noong ika-03 Disyembre 2024 sa Moncada Public Market.


Dumalo rin ang mga kinatawan ng mga bangko at iba pang financial service providers na tumulong sa pagbukas ng mga bank o e-wallet account na magagamit sa QR Ph transactions.


Pinalitan din ng Currency Exchange Center na GRBank ang mga marurumi (unfit) at sira-sirang (mutilated) pera ng bagong salapi sa ilalim ng Piso Caravan program ng BSP.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin: