Narra at Brooke’s Point sa Palawan

Narra at Brooke’s Point sa Palawan, Paleng-QR Ph Plus-ready na!


Opisyal nang inilunsad ang Paleng-QR Ph Plus sa mga bayan ng Narra at Brooke’s Point sa Palawan noong 27 at 28 Nobyembre 2024.


Layunin ng Paleng-QR Ph Plus na palawigin ang paggamit ng quick response (QR) codes sa pagbabayad sa palengke, pampublikong transportasyon, at iba pang business establishments.


Nagsagawa rin ang BSP, First Consolidated Bank (FCB), Cooperative Bank of Palawan (Coop Bank), Card SME Bank, at Landbank of the Philippines ng Piso Caravan sa Narra at Brooke’s Point kung saan napapalitan ng publiko ang kanilang sira-sira at maruming pera ng fit currency o electronic wallet credits.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin: