Sheena Mae M. Obispo

"Isa lamang po akong tip of the iceberg. Ako lamang po ang nakikita ninyo ngayon, ngunit sa likod ng tagumpay na ito ay ang tulong mula sa gobyerno..."


Ito ang pahayag ni Sheena Mae M. Obispo, isang 4Ps monitored child mula sa Panoypoy, Camalig, Albay, na nakasungkit ng Top 1 sa kamakailan lamang na Social Workers Licensure Exam. Ayon sa kanya, ang suporta ng DSWD, partikular ang 4Ps, ay nagbigay sa kanilang pamilya ng pagkakataon na makaahon at malampasan ang mga pagsubok sa buhay.


Bukod dito, binigyang-diin din ni Sheena ang kahalagahan ng iba pang mga programa ng DSWD tulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP), na nagsisilbing tulay para sa mga benepisyaryo upang maging mas malaya at magkaroon ng sapat na kakayahang magtaguyod ng sariling kabuhayan. Sa pamamagitan ng mga pagsasanay at kaalaman sa pagnenegosyo at pagtatrabaho, nagkakaroon sila ng mas matibay na pundasyon para sa pag-abot ng kanilang pangarap.