araw ng manggagawa

 

Unang araw ng Mayo bilang Araw ng mga Manggagawa


Bumabati ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa lahat ngayong Araw ng Manggagawa.


Sa bisa ng Act No. 1818 (30 Abril 1908), itinalaga ang unang araw ng Mayo bilang Araw ng mga Manggagawa. Pinanatili ito sa bisa ng Administrative Code of 1987 (Executive Order No. 292, 25 Hulyo 1987). Dahil rito, sarado ngayong araw ang Central Office at mga history museums ng NHCP sa buong bansa.


Sa ating poster, tampok natin si G. Rizal Dineros ng aming Materials Research and Conservation Division habang nililinis ang pambansang bantayog ng kanyang katokayo at ka-birthday na si Jose Rizal.


Sa loob ng 48 taon, naglingkod si G. Dineros nang buong sigasig hindi lang sa Komisyon kundi sa buong bayan. Ibinahagi niya ang kanyang kaalaman at kakayahan sa iba’t ibang proyekto ng conservation sa buong bansa. Nagpupugay tayo sa kanya at sa lahat ng mga nagtatrabaho nang marangal ngayong Araw ng Manggagawa.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: