Guijo (Shorea guiso)
Guijo (Shorea guiso)
Ang punong ito ay matibay at madaling umangkop sa paligid nito. Dahil dito, ang punong ito ay nababagay sa tropikal na panahon ng bansa.
Lokal na pangalan:
Guijo - Southern Tagalog
Taralai - Tarlac
Yamban-yamban - Zambales
Ang Guijo ay maaaring umabot ng hanggang 60 metro na taas at 180 dyametro o bantod.
Ang panlabas na balat ay kulay-abo, makitid na bitak at pumuputok sa maliliit na mga natuklap; ang pangloob na balat ay kulay ng pinaghalong kulay rosas at kulay kayumanggi.
Ang mga dahon ay simple, salit-salit, hugis ulo ng sibat hanggang hugis itlog, 5.5-14 x 2.5-6 sentimetro, makintab na berdeng ibabaw, maputla sa ilalim, 11-18 ang pagkakalapit-lapit.
Mga bulaklak ng aksila o dulo na mga maluwag na sumasanga na kumpol ng mga bulaklak hanggang 10 sentimetro ang haba, sanga-sangang kumpol na may hanggang 5 bulaklak; dilaw na mga talulot (petals) ; stamens (lalaking pampag-anak na organ ng isang bulaklak 20-28.
Ang Prutas ay may tatlong kilalang mahabang pakpak, 4-7 x 0.8-1.5 sentimetro; maikling pakpak 2.5-4 x 0.4-0.7 sentimetro; hugis-itlog na ulo, 1.3-2.7 x 0.5-1.2 sentimetro.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Guijo (Shorea guiso) "