Ang Kisame ng Simbahan ng La Santisima Trinidad


Habang ipinagdiriwang natin ang Semana Santa sa Pilipinas, itinatampok ng Pambansang Museo ng Bohol ang isang pang-alaalang sining at tradisyon ng relihiyon na matatagpuan sa mga pamana ng simbahan ng Bohol.


Ngayon, Linggo ng Palaspas (Abril 10, 2022), itinatanghal ng Pambansang Museo Bohol ang kisame ng Simbahan ng La Santisima Trinidad sa bayan ng Loay. Ipinapaalala ng larawan na ito ang isang kilalang kuwento sa mga banal na kasulatan nang matagumpay na pumasok si Jesus sa Jerusalem at tinanggap siya ng napakaraming tao na kumakaway sa kanya ng mga sanga ng palma na sumisigaw, “Hosanna! Mapalad ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!”. Ang partikular na kaganapang ito ay ginugunita tuwing Linggo ng Palaspas o Domingo Sa Lukay gaya ng inilalarawan at nakikita sa narthex ng mga simbahan sa Bohol kabilang ang mga naibalik na simbahan ng parokya ng Loboc at Loon, na pawang idineklara na Pambansang Kayamanang Kultural.


Noong 2013, ang Holy Trinity Parish Church complex ng Loay ay idineklara ng Pambansang Museo ng Pilipinas bilang Pambansang Kayamanan ng Kultura para sa natatangi at namumukod-tanging makasaysayan, kultura, at masining na kahalagahan ng kisame ng simbahan na ipininta ng dalubhasang pintor ng Cebu na si Raymundo Francia .


Mungkahing Basahin: