Lumang Munisipyo
Ang loob at iba pang pandekorasyong disenyo ay hango sa estilong Beaux-Arts. Ito ay itinayo bandang kalagitnaan hanggang huling bahagi ng ika-19 na siglo. Ito ay dating bahay ng prominenteng pamilya Gonzalez na ipinamana kay Jose Gonzalez, kapatid ni Dr. Joaquin Gonzalez, mula sa kanilang ina na si Mariquita Gonzalez.
Ang bahay ay ginamit bilang isa sa mga punong tanggapan ni Heneral Henry Lawton at ng kanyang mga sundalo sirka 1899 noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Ang bahay ay nagsilbi bilang Bahay Pamahalaan mula 1907 hanggang 1971 at opisyal na binili ng Pamahalaang Bayan noong 1915. Ito ay idineklara noong 2015 bilang isang Mahalagang Yamang Pangkalinangan ng Pambansang Museo ng Pilipinas at opisyal na inilagay at pinasinayaan ang pananda noong 2017.
Sa kasalukuyan ay matatagpuan dito ang Opisina ng Turismo sa unang palapag at ang Pambayang Aklatan at Museo ng Baliwag sa ikalawang palapag.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Lumang Munisipyo "