Kauna-unahang Babaing Fighter Pilot ng PAF
Si 1Lt. Jul Laiza Mae E. Camposano-Beran ay tubong Cotabato. Ikinwento niya na bata palang siya ay madalas na siyang nakakakita ng military aircraft at dito na nabuo ang pangarap niya na maging isang miyembro ng militar.
Hindi naging madali para sa kanya ang pag-abot sa kanyang pangarap na maging sundalo. Hindi siya pumasa sa unang pagsubok niya na makapasok sa PMA ngunit dahil sa kanyang determinasyon ay kalaunan niya itong naipasa. Nagtapos siya sa PMA bilang miyembro ng Sinaglahi class of 2015.
Pagkatapos niyang magtapos sa PMA ay pumunta siya sa Lipa para sa pagsasanay sa “Basic Military Flight Training”. Sa Lipa niya unang natutunan kung paano magpalipad ng eroplano.
Formal niyang natapos ang kanyang pag-aaral bilang isang ganap na fighter pilot. Siya ay ganap na piloto ng S-211 fighter jet . Ginagamit ang naturang eroplano para sa combat at surveillance operations the Philippine Air Force. siya rin ay isang backseat pilot ng FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force.
Ayon kay 1st Lt. Camposano-Beran, nagawa niyang isakripisyo muna ang pamilya sa pamamagitan ng di muna niya pagbubuntis upang maisakatupan at matapos ang kanyang pagsasanay bilang isang ganap ng fighter pilot.
Sa kasalukuyan, dalawa pang babaing fighter pilot ang sumasailalim sa isang fighter jet training program.
Pinagmulan: PTV (Youtube Channel)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kauna-unahang Babaing Fighter Pilot ng PAF "