Mga Katutubong Wika ng Pilipinas


Iilan lamang ang mga bansang nagtataglay ng mayaman at ibat’t ibang pamanang lingguwistika tulad ng Pilipinas. Ayon sa Ethnologue (2013), isang pagtitipon ng lingguwistikang datos na inilathala ng Summer Institute of Liguistics (SIL), ang Pilipinas ay tahanan ng humigit kumulang 185 na katutubong wika na binubuo ng 181 wikang kasalukuyang ginagamit pa at 4 na wikang hindi na ginagamit ngayon.


Sa kaibhang ito ng mga wika sa Pilipinas, isinulong ng mga pambansang polisiya ang pagtalaga ng dalawang opisyal na wika – Filipino at Ingles – sa pamunuan, kalakalan, edukasyon at mass media sa parehong pambansa at lokal na antas upang mapangibabawan ang limitasyon sa komunikasyon na dulot ng malawakang pagkakaibang lingguwistika sa buong bansa.


Subalit isa sa mga salungat, bagama’t hindi sinasadya, na kinahinatnan ng mga polisiyang ito ay ang pagsasantabi sa mga katutubong wika.


Sa kabutihang palad, ang pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang mabigyan pansin ito sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pangangalaga at pagpapaunlad ng kaibhan ng mga katutubong wika.


Mungkahing Basahin: