Maaari bang magpabakuna kontra COVID-19 ang mga may hypertension
Maaari bang magpabakuna kontra COVID-19 ang mga may hypertension at elevated blood pressure (BP)? Ano ang dapat gawin sa araw ng pagbabakuna? Paano kapag tumaas ang BP habang nagpapabakuna?
Alamin ang tamang impormasyon! Tara sa BIDA BakuNation!
1. Pwede ba akong magpabakuna kontra COVID-19 kung ako ay may hypertension?
Ang bakuna kontra COVID-19 ay ligtas at epektibo sa mga may hypertension upang hindi madapuan ng mas malubhang uri ng COVID-19.
Ang proteksyon na dulot ng bakuna ay mas matimbang kumpara sa side effect na pwedeng mangyari.
Mas malaki ang benepisyo ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga may hypertension.
2. Paghahanda 2-4 linggo bago magpabakuna
Mag-ingat na ma-expose sa mga posibleng may COVID-19, dalawang linggo bago magpabakuna.
Siguraduhing kontrolado ang inyong BP ilang linggo bago magpabakuna.
Kumunsulta sa inyong doktor kung kinakailangan para maiayos ang gamot ninyo.
Inumin nang tama ang maintenance na gamot laban sa hypertension.
3. Ano ang dapat kong gawin sa araw ng pagbabakuna?
Inumin ang maintenance na gamot para sa high blood.
Magbaon ng extra na gamot para sa high blood.
Kumain sa bahay, iwasan nang kumain sa vaccination center habang naghihintay.
Mag-relax habang nakapila bago bakunahan.
Panatilihing malinis ang inyong kamay, mag-suot ng face mask at face shield, at obserbahan ang physical distancing habang nasa vaccination center.
4. Kapag tumaas ang BP habang nagpapabakuna
Bago bakunahan:
Mag-relaks at huwag kabahan habang nasa pila
Huwag uminom ng kape o anumang inumin na may caffeine 30 minuto bago magpa-BP
Huwag muna kumain
Huwag manigarilyo
Umihi muna kung naiihi
Iwasan uminom ng mga pain reliever o gamot sa sipon na maaaring magdulot ng pagtaas ng BP
Pagkatapos bakunahan:
Mag-relaks
Maaaring gawin ang deep breathing exercise sa loob ng 3-5 minuto:
– inhale sa ilong – 4 counts
– Hold breath – 2 counts
– Exhale through mouth -4 counts
Kung wala namang nararamdaman na malubha, maaari nang umuwi pagkatapos ng 30 minuto hanggang 1 oras
Magpakita sa inyong doktor kinabukasan.
Pinagmulan: PIA_RIII via Department of Health (DOH)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Maaari bang magpabakuna kontra COVID-19 ang mga may hypertension "