Paalala sa publiko para sa kukuha ng postal ID


Matapos ianunsyo ng Malacanang ang pagsasailalim sa buong Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ), ibabalik na muli ng Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPost) ang operasyon nito ng Postal ID (PID) sa buong bansa. Ito ay upang matugunan ang malaking demand ng PID sa mga kababayan nating naghahangad na magkaroon ng valid ID partikular na sa pagkuha ng pasaporte. Basahin lamang ang mga importanteng impormasyon na nakalatag sa ibaba bago magtungo sa tanggapan ng PHLPost.


A. Regular Postal ID

Ang mga post offices na nasa lugar kung saan ipinapatupad  ang GCQ ay tatanggap at magpoprosesong muli ng Postal ID simula sa ika-1 ng Hunyo, 2020. Pinapayuhan lang ang publiko na ang paghahatid ng mga ID sa kani-kanilang tahanan o door-to-door delivery ay maaaring abutin ng 30 working days.


B. Rush Postal ID

Tatanggap na din simula sa ika-1 ng Hunyo, 2020 ang Manila Central Post Office ng mga aplikasyon para sa Postal ID kung saan sa kasunod na araw ito pwedeng kunin o NEXT DAY PICK-UP subalit unang isang Daang (100) katao lamang kada araw ang pwedeng kumuha. Para sa seguridad ng nakararami, minabuti ng PHLPost na limitahan ang bawat transakyon nito sa pagkuha ng PID upang maayos na maipatupad ang mga hakbang para makaiwas sa COVID-19 tulad ng Social Distancing.


Pinagmulan: fb/PHLPost


Mungkahing Basahin: