On
Kalabasa dessert (Muffins)Mga kailangang sangkap upang makagawa ng 12 piraso (isang muffin bawat isang tao):
  • 3 maliit na hinog na saging (o 2 katamtamang laki ng saging)
  • 1 (15-onsa) ng purong kalabasa (likido o krema)
  • 2 itlog (puti lamang)
  • 1 buong itlog (kasama ang puti at dilaw)
  • ½ tasa ng sarsang mansanas (walang asukal)
  • 1 tasa ng pulbos na gatas (walang taba)
  • 2 kutsaritang pampalasa (pumpkin pie spice)
  • 1 tasa ng buong-trigo na harina
  • 1¾ tasa ng oat bran
  • 1½ kutsarang baking soda
  • 2/3 tasa ng pasas (3 onsa)
  • Cooking Spray


Paraan ng pagluto:


Painitin ang hurno (oven) hanggang 350° F. Ilagay ang saging at Kremang kalabasa sa blender o processor ng pagkain. Ihalo ang puti ng itlog, buong itlog, at mansanas, at kremang kalabasa hanggang sa itoy maging pinong-pino. Pagkatapos ay ihalo ang tuyong gatas at e-blender. Ihalo ang kalabasa pie spice pampalasa at muling e-blender.


Sa isang hiwalay na mangkok, pagsamahin ang harina, oat bran, baking soda, at mga pasas. Paghaluin upang pagsamahin. Ihalo ang saging-kalabasa sa pinaghalong harina at haluing mabuti. Mag-espray sa isang muffin pan ng “cooking spray” at kutsarang halo sa mga tasa nang pantay-pantay. Ilagay sa hurno o oven ng 30 minuto o hanggang kapag itinusok ang isang toothpick sa muffin at kapag tinanggal ay malinis ito.


Pinagmulan: Harvard Medical School (health.harvard.edu)


Mungkahing Basahin: