Ano ang ibig sabihin delikadesa?


Bagaman mula sa wikang Espanyol ang salita, isang kapuri-puring halagahang Filipino ang delikadesa.


Tumutukoy ito sa wastong pagiingat ng dangal at pangalan sa pamamagitan ng kilos at pasiya na hindi sumusuway sa kagandahang-asal at mahusay na pakikipagkapuwa-tao.


Pinakamababaw na mukha nito ang pagpilì ng angkop na kasuotan para sa isang okasyon. Sinasabi ring may delikadesa ang marunong makisama sa lipunan.


Ang taong may delikadesa ay hindi mahalay kumilos at magsalita sa harapan, marunong magtimpi ng galit at gutom, at hindi kailangang pagbawalan.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr