Tandikan
Ang tandíkan (Polyplectron napoleonis) ay isang ibon na may katamtamang laki, may sukat na 50 sentimetro ang haba. Kilala ito sa tawag na Palawan Peacock Pheasant sa wikang Ingles.
Sa Palawan lámang matatagpuan ang ibong ito. Mahirap makita ang ibong ito sa loob ng kagubatan. Maingat at mabilis itong lumalayo kapag nakaramdam ng kaaway. Ang pagkain nito ay prutas, mga buto ng halaman, insekto, at iba pang maliliit na hayop.
May anim na uri ng peacock pheasant sa ibang lugar sa Timog-silangang Asia subalit ang tandíkan ang pinakamaganda at may kaakit-akit na kombinasyon ng mga kulay.
Ang lalaking tandíkan ay kaiba sa babae. Mas kaakit-akit ang lalaking tandikan. May makintab na kulay bughaw na palong na laging nakatayo. May 2 hanggang 3 tahid sa bawat paa. Ang mga palamuting kulay sa balahibo ay kalimitang makinang, samantalang ang babae ay kulay kape lamang at walang tahid.
Mas maliit ang katawan ng babae. Sa pagliligawan, ang mga lalaking tandíkan ay nagsasayaw sa hawan na lugar at ang pinakamagaling magsayaw ang siyáng papansinin ng babaeng tandíkan. Karaniwang dalawa lamang ang iniitlog ng babaeng tandikan.
Isang endangered species o nanganganib nang mawala ang tandíkan. Nanganganib na maubos ang populasyon nitó dahil sa pagkasira ng kagubatan at sa panghuhuli ng tandíkan upang ibenta sa mga tindahan ng eksotikong hayop.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tandikan "