Kinikilala si Pedro Bucaneg (Péd·ro Bu·ka·nég) bilang “Ama ng panitikang Iluko” dahil sa kaniyang ambag sa pagsasalin ng mga akdang Espanyol at Latin patungong wikang Iluko. Higit sa lahat, dahil sa pagsasatitik niya ng epikong-bayang Iluko na Bíag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang), ang unang bersiyon ng naturang epikong-bayan na binubuo ng 294 na saknong at mga 1,500 na taludtod.

 

Tinulungan ni Bucaneg si Padre Francisco Lopez na isalin sa wikang Iloko ang Doctrina Christiana noong 1621, gayundin sa paghahanda ng Arte de la Lengua Yloca (Sining ng Wikang Iluko) noong 1627. Nagsalin siya ng mga sermon mula sa wikang Latin at Espanyol patungong wikang Iluko at ng mga katutubong awitin at tulang Iluko patungo sa wikang Espanyol.


Bilang pagkilala, ang bucanegan, isang debateng patula sa Iluko at itinulad sa balagtasan sa Tagalog, ay ipinangalan sa kaniya noong 1930. Noong 1936, naging bahagi ng Dallang ti Amianan, isang antolohiya ng tulang Iluko ni Leon Pichay, ang kaniyang tulang “Pampanunot ken Patay” (Pag-iisip ng Kamatayan).


Nabuhay si Bucaneg noong 1591 hanggang 1626. Misteryoso ang kanyang pinagmulan. Ipinanganak siyang bulag na Tinggian o Itneg kaya sinasabing noong sanggol siyá’y ipinaanod sa ilog sakay ng isang kahon at napadpad sa Rio de Abra. Nakita ng isang babae ang kahon at dinala ang sanggol sa isang Padre Geronimo Cavero, ang koadyutor ni Padre Montoya, kura paroko sa Bantay, Ilocos Sur. Bininyagan siyang Pedro Bucaneg, at ang apelyido’y nagmula sa katagang “nabukaan nga Itneg” na nangangahulugang “natagpuang Itneg.” Natuto siya ng Latin at Espanyol mula sa mga paring Agustino sa Bantay.

Pedro Bukaneg (1592-1630), a renowned filipino poet, is acknowledged as the author of the Ilocano epic – Biag ni Lam-ang. He is also regarded as the first Ilokano man-of-letters, orator, musician, lexicographer, and linguist to appear in the limelight of our history. Although visually impaired, he didn’t let his condition overshadow his intellectual brilliance, retentive memory, sensitive musical sense, magnetic eloquence, and gift for learning languages. A romanticist, he composed poems and songs which were so tenderly sweet, gaininh fame among the Ilokanos as a gifted troubadour. His works enhanced the glory of Ilokandia’s literary heritage.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: