Ano ang lingling-o?
Ang halimbawa ng lingling-o ay hikaw na hugis bilog na may hiwa sa gilid at yari sa berdeng jade, ginto at kabibe na natagpuan sa mga pook-arkeolohiko sa Bisayas, Batangas, at lalo na sa Kuwebang Duyong sa Palawan.
Kahawig nito ang hikaw na dumag na gamit ng mga taga-Cordillera. Ipinapalagay na ang mga nadiskubreng lingling-o ay mula pa sa Panahong Metal (500 hanggang 100 BK) at ang nasabing mga palamuti ay maaaring nadala ng mga unang tao sa Filipnas mula sa Timog-silangang Asia at Timog Tsina.
Itinuturing din ang lingling-o bilang isang mamahaling produktong pangkalakal. Dahil sa kamahalan nito ay napilitan ang iba na lumikha ng ganitong uri ng palawit mula sa kabibe at malalambot na bato upang magkaroon ng mas mumurahing uri nito.
May iba ring mananaliksik na naniniwalang ang nasabing palamuti, na kaanyo raw ng sinapupunan at daanan ng sanggol, ay isa ring simbolo ng fertilidad.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang lingling-o? "