Simbahan ng San Jose Del Monte

Simbahan ng San Jose Del Monte


Itinatag ng mga Pransiskano bilang Visita ng Meycauayan gamit ang mga payak na materyales. Naging hiwalay na parokya at inialay sa patronato ni San Jose de Obrero, Ika-11 Pebrero 1752. Itinayo ang simbahang yari sa adobe sa unang bahagi ng Ika-19 dantaon. Napinsala ng sunog, 13 Pebrero 1822. Naipatayong muli sa tulong pinansyal ng mga mamamayan. Patuloy ring nakatanggap ng pinansyal na suporta mula sa parokya ng Meycauayan hanggang 1853. Inilarawan sa isang sipi ng La Ilustracion Filipina ang bagong tayong gusali bilang 'De Mediana Arquitectura' dahil sa katamtamang laki nito, 1860. Naging pook-labanan at napinsala sa labanan ng mga hukbong Pilipino at sundalong Espanyol, 1896, at nadatnang napinsala ng sunog, 1899. Naging piitan ng mga Pilipinong lumaban sa mga hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dumaan sa pagsasaayos, 1976. Napinsala ng lindol, 1990. Isinailalim sa malawakang modernisasyon bilang tugon sa lumalagong bilang ng mananampalataya, 1997. Ang kampanaryo ang tanging kakikitaang bahagi ng lumang simbahan.


Pinagmulan: nhcpofficial