Ang Pagdating ni Ferdinand Magellan sa Cebu
Ang Pagdating ni Ferdinand Magellan sa Cebu | @socsciclopedia
Ang Pagdating ni Ferdinand Magellan sa Cebu
April 7, 1521
Mula sa isla ng Limasawa, naglayag muli pakanluran ang tatlong carrack ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan at sa araw na ito noong 1521, narating niya at ng mga tauhan niya ang isla ng Cebu, sa tulong ng mga gabay na ibinigay ng mga pinuno ng Limasawa na si Raha Kolambu at Siagu.
Gaya ng nangyari sa isla ng Limasawa, malugod ding tinanggap sina Magellan ng mga katutubong nakatira doon, sa pamumuno ni Raha Humabon. Noong mga panahong iyon, isa nang aktibo at buhay na buhay na daungan ang Cebu bago pa man dumating sina Magellan, kung saan aktibo nang nakikipagkalakalan ang mga katutubo doon sa mga banyagang napapadaan doon. Katunayan, ang katutubong pangalan ng Cebu na Sugbo ay nangangahulugang "maglakad sa may pampang" dahil nilalakad pa ng mga dumadaong sa baybayin ng Cebu ang mababaw na dalampasigan amula sa kanilang mga barko papunta sa kalupaan, na mainam para sa mga dumadaong doon.
Nadiskubre nila Magellansa kanilang pagdaong sa Cebu ang bukana ng baybayin nito na tinatawag na Mandawe o ngayon ay Mandaue noong araw ding iyon. Matapos ang mainit na pagtanggap nina Raha Humabon kina Magallanes sa Cebu, itinatag nilang dalawa ang kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ulit ng sanduguan, gaya ng ginawa sa Limasawa sa pagitan nina Magallanes at Raha Kolambu. Mayroon ding misa na isinagawa sa Cebu, ang kauna-unahang Kristyanong pagsamba sa naturang lalawigan, pero sa pagkakataong ito, may binyagan na ring nangyari pagkatapos ng misa. Ito ay bilang bahagi ng pagsisimula ng pagkakaibigan nina Magallanes at Raha Humabon. Tinatayang 800 katutubo ang binautismuhan sila sa bagong uri ng pananampalataya, kabilang na sinq Raha Humabon at ang kanyang asawa, at bininyagan rin sila sa bago nilang mga pangalan. Ito ang kauna-unahang pagbabautismo sa ating bansa.
Sanggunian:
• Santo NiƱo 500 website
https://www.santonino500.com/magellans-1521-arrival-to-cebu-set-stage-for-christianization-of-the-philippines/
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Pagdating ni Ferdinand Magellan sa Cebu "