Ano ang E-CLIP?
On Krimen
Ano ang E-CLIP?Enhanced Comprehensive Local Integration Program
Isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang pamilya.
Sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay para sa kanilang pamilya at komunidad.
Para Kanino ang E-CLIP?
Ayon sa Administrative Order No.10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing kautusan, ang E-CLIP ay para sa mga nagbalik-loob kabilang ang mga sumusunod:
- Regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF,
- Kanilang asawa, anak, kinakasama (legitimate o illegitimate), at kanilang mga magulang at kapatid,
- Mga miyembro ng Militia ng Bayan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang E-CLIP? "