pitong sss benefits

Alamin ang inyong pitong SSS Benefits

  1. Sickness Benefit – Benepisyo sa miyembro para sa mga araw na hindi siya nakapagtrabaho sanhi ng pagkakasakit o pagkapinsala.
  2. Maternity Benefit – Arawang cash allowance na ipinagkakaloob sa isang babaeng miyembro na hindi makapagtrabaho dahil sa panganganak o pagkakunan.
  3. Disability Benefit – Buwanang pensiyon o lump sum amount sa isang miyembrong nagkaroon ng pisikal o mental na pinsala o impairment, maging pansamantala o permanente man.
  4. Retirement Benefit –  Buwanang pensiyon o lump sum amount sa isang miyembrong hindi na makapagtrabaho dahil sa katandaan.
  5. Death Benefit – Buwanang pensiyon o lump sum amount sa benepisyaryo ng namatay na miyembro.
  6. Funeral Benefit – Benepisyo sa sinumang gumastos sa serbisyo ng punenarya o pagpapalibing ng namatay na miyembro o pensiyonado.
  7. Unemployment Benefit – Arawang cash allowance na ipinagkakaloob sa mga miyembro na nawalan ng hanapbuhay dahil sa retrenchment o downsizing, pagsasara ng pinapasukan dahil sa pagkalugi, o iba pang kadahilanan ng sapilitang pagkawala ng trabaho.


Pinagmulan: @PHLSSS (Philippine Social Security System)


Mungkahing Basahin: