Ano ang fez?
Tradisyonal na gawa ito sa balát ng hayop ngunit sa kasalukuyan ay yari na rin sa sintetikong materyal. Ang fez ay karaniwang ding may palawit o tassel na nakadikit sa pinakagitna ng tuktok nitó.
Noong mga 980 AD, naging mahalagang lungsod ng mga Muslim ang Fez sa Morocco. Mula sa pagiging isang sombrero ng mga mag-aaral sa isang paaralan doon, naging sagisag ng katalinuhan ang fez at naging malaganap sa Hilagang Aprika.
Mula sa Aprika, tinataya namang pinalaganap ng mga Ottoman ang pagsusuot ng fez bilang isang bahagi ng kasuotan ng mga hukbong militar at maging ng mga ordinaryong mamamayan.
Mula sa Imperyong Ottoman, naging simbolo ng modernidad ang fez sa Gitnang Silangan at sinundan ang paggamit nitó ng iba pang Islamikong bansa.
Sa Pilipinas, pangunahing kasuotan ang fez ng mga Muslim. Nakarating ito sa Filipinas kaakibat ng paglaganap ng Islam sa Filipinas noong ika15 siglo.
Mula noong mga ika-19 siglo, isang uri ng fez ang lumaganap sa Timog-Silangang Asia na mula sa Timog Asia. Tinatawag na peci sa Indonesia at songkok sa Malaysia, ang uring ito ay karaniwang itim ang kulay, mas bilugan ang hugis at may mga palamuti. Sa Filipinas, mas makulay at mas maraming palamuti ang mga uri ng fez na malaganap.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang fez? "