Kapis
Natatagpuan ang kapís na nakakalat sa mga tubigan sa gilid ng baybayin sa buong Pilipinas. Gayunman, sinasabing sagana nito ang baybayin ng Capiz, Panay kaya naging gayon ang pangalan ng lalawigan. (May bersiyon na ang kabaligtaran ang naganap; ang talaba ang isinunod sa pangalan ng pook.)
Sa Ingles, tinatawag itong windowpane oyster dahil ginagamit na vidrio ng bintana kapalit ng salamin. Ang vidrio ay nakakuwadrong mga partisyon ng bintana. Salamin ang ginagamit sa Kanluran upang makapagdulot ng liwanag sa loob ng silid kahit nakapinid ang bintana.
Naging paboritong kapalit ng salamin ang kapís dahil mabisà nitóng napaglalagos ang liwanag mula sa labas samantalang hindi naman masisilip ang nása likod ng bintana mula sa labas.
Hinuhubog ang kapis sa mga kuwadradong piraso, iniipit sa kuwadrong kahoy, at ginamit na partisyon ng bintana sa mga bahay-na-bato at kumbento noong panahon ng Espanyol.
Ngayon, bukod sa vidrio ay hinuhubog din ang kapis upang maging takip ng lampara, pabitin ng kandelabra, at iba pang pandekorasyon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kapis "